"Unfair and irresponsible" claim? Pinoy vlogger sa South Korea, inimbestigahan ang "Hermes snub" kay Sharon Cuneta (2023)

Si Sharon Cuneta ang nag-umpisa pero ito rin ang tumapos sa isyu na hindi siya pinapasok sa Hermés store sa Shinesagae, Myeongdong nang magbakasyon sila ng kanyang pamilya sa South Korea noong August 2022.

Inilabas ng halos lahat ng news sites sa Pilipinas ang mala-Vivian Ward na karanasan ni Sharon.

Gusto lamang niya bumili ng sinturon sa Hermés pero pinaalis—"turned away at the Hermés store" ang matinding mga salita ginamit sa kanyang vlog—kaya lumipat ang veteran actress sa tindahan ng Louis Vuitton at bumili ng maraming gamit.

Matapos mamili sa Louis Vuitton, muling dumaan si Sharon sa Hermés para sabihin sa Korean male staff na, "See, I bought everything," na ikinukumpara sa eksena ni Julia Roberts.

Sa 1989 monster hit American movie na Pretty Woman, pinaalis si Vivian (Roberts) ng female sales staff ng isang expensive store na hinusgahan siya na walang kakayahang bumili ng mamahalin na damit dahil sa kanyang kasuotan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaso ni Sharon, tumanggap ng mga pagbatikos ang Korean male staff na hindi nagpapasok sa Megastar sa luxury boutique—dahil na rin sa vlog na inilabas ng 56-year old actress.

Pero ang Megastar din ang nagpakalma sa mga tao na naniwala sa kanyang kuwento.

"Don’t feel bad about Hermés not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time-sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store.

"Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang,” ang paliwanag ni Sharon nang makita ang reaksiyon ng mga nakapanood ng vlog niya.

PINOY VLOGGER ON SHARON'S "UNFAIR" DEPICTION IN HER VLOG

Pero nag-imbestiga pa rin si Lester Javier aka Tey Samchon, ang digital creator at may-ari ng vlog na Pinoy in Kimchiland.

Mula sa Tondo, Manila si Tey na isang engineer. Dalawang dekada na siya na naninirahan sa South Korea at nagtatrabaho sa isang multinational manufacturing conglomerate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas ni Tey sa vlog nito ang masusi at matalinong imbestigasyon na ginawa niya tungkol sa karanasan ni Sharon para malinawan ang mga Pilipino na pinaniwalaan ang kuwento ng aktres at nagkaisa sa pagbira sa pobreng male staff ng luxury brand store.

Nakausap din ng Cabinet Files si Tey kagabi, October 4, 2022.

“I made the video kasi unfair sa store, sa Hermés guy na na-bash, at sa Koreans din.

(Video) Unfair

"Okay lang naman na i-flex niya po, pero wag lang yung katulad nitong last video niya na parang tinrigger niya ang mga tao na i-bash si Hermés oppa, ang Hermés, at ang Korea, in general," ang may pagmamalasakit na paliwanag ni Tey.

Sinabi ni Tey ng isang news site lamang sa South Korea ang pumatol sa isyu na inumpisahan ni Sharon, at ginawang malaking balita sa Pilipinas dahil kilala siya na artista.

“Lumabas na po sa isang news article sa Korea, pero hindi naman nag-trending dito. They just said one actress in Philippines accused Korea of racism.

“Deadma lang din ang Koreans kasi siguro hindi naman po siya kilala dito. They may have heard but they don’t care,” ani Tey.

Ipinadala ni Tey sa Cabinet Files ang screenshot ng artikulo tungkol kay Sharon na lumabas sa isang news site sa South Korea, pero hindi pinagtuunan ng pansin ng Korean people.

"Unfair and irresponsible" claim? Pinoy vlogger sa South Korea, inimbestigahan ang "Hermes snub" kay Sharon Cuneta (1)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinimay-himay ni Tey ang bawat eksena na napanood niya sa vlog ni Sharon; at naglaan siya ng panahon na tawagan sa telepono ang Hermés branch na pinuntahan ng beteranang aktres.

“Turned away at Hermés store? Was she really turned away?” ang nagtatakang tanong ni Tey sa vlog nito na pinuri dahil sa kanyang patas na pag-uulat.

“Napaka-strong ng salitang ‘turned away’ kaya aalamin natin iyan.

“Walang nakita na sinabi na umalis siya. I don’t think she was really turned away. She ended up going to Louis Vuitton at doon ay ipinakita na asikasong-asikaso siya.”

Sinuri ni Tey ang vlog ni Sharon tungkol sa insidente.

“Binigyan pa siya ng flowers, wine, I think because she bought a lot of stuff. Baka napikon siya sa Hermés kaya bumili ng maraming gamit sa Louis Vuitton. Mega-asikaso sa kanya ang lahat ng staff,” ang reaksyon ni Tey.

HOT STORIES

(Video) The Neighbourhood - Unfair

TEY ASKS HERMÉS ABOUT POLICY ON WALK-IN CUSTOMERS

Pero para maging klaro ang lahat, tinawagan ni Tey ang branch ng Hermés na pinuntahan ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil fluent na siya sa pagsasalita ng Korean language, naging madali para sa kanya ang komunikasyon sa kanyang kausap.

Ito ang English translation ng pahayag ng customer service representative ng luxury brand store na nakausap ni Tey.

“That is because we let in only the customers that we can serve in a day. It changes every day but depending on the number of employees working that day, but it can be around 60 to 80 persons only.

“Every day, there are people waiting that cannot enter because the limit has been exceeded so we can send a message if you come to the store as soon as it opens in the morning.

“We started this waiting system after COVID-19 started. We assist the customers one by one that’s why it depends on the number of employees inside.”

Bukod sa customer service representative, hiningi rin ni Tey ang opinyon ng mga kababayan natin na naninirahan sa South Korea na sanay na mamili sa mga luxury brand store, at iisa ang kanilang sinabi—may sistema na pinaiiral buhat nang magkaroon ng coronavirus pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa imbestigasyon na ginawa niya tungkol sa karanasan ni Sharon—na halimbawa ng “much ado about nothing”—sinabi ni Tey na hindi lahat ng nakikita sa Internet ay totoo kaya kailangan na magsaliksik at mag-verify bago magbuo ng opinyon.

(Video) PF: WOTR ENHANCED - CHAPTER 1 on UNFAIR: HARDEST Battles! NABASSU, VROCK, WATER ELEMENTAL & More!

“There was no ‘turning away, Julia Roberts, Pretty Woman, kawawa, na-discriminate na eksena’ na nangyari.

“It was simple as Miss Sharon Cuneta went to Hermés, either nagpalista siya or she walked away. She wasn’t turned away,” ani Tey.

Paalala pa niya sa content creators: “Yung power ng content creators, ng celebrity, ng editor, yung totoong incident based sa investigation ko, sa paulit-ulit ko na panonood ng video ni Miss Sharon, based sa lahat ng mga narinig at nalaman ko, there was no turning away, there was no discrimination whatsoever.

“It was a simple protocol, it was a simple waiting system ng store pero ang galing ng spin ng video ni Miss Sharon Cuneta na she was able to make it appear and gain sympathy na na-discriminate siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung content creators, myself included, may responsibility tayo, kami, na dapat mas maging makatotohanan yung ipinapakita natin because it drives public attention, public pulse.

“Yung pulse ng tao, nababago, nase-sway natin depende sa ipinapakita natin sa mga content natin.”

Hindi na raw sana lumaki pa ang isyu kung nabigyang-linaw ang kabuuang nangyari sa karanasan ni Sharon.

“I was so surprised this news was picked up by so many mainstream media, big media, big personalities the way it was conveyed by that video na discriminated si Miss Sharon.

“At nakakalungkot yung nananahimik na Hermes, yung nananahimik na oppa, nabira na, natira na nang husto ng netizens—na sa tingin ko, e, wala naman silang alam sa nangyari.”

Nagbigay din ng paalala si Tey sa netizens na maging mapanuri sa panonood ng content sa social media.

“And last, the people. Yung mga sumusunod sa media, yung mga nanonood. I realized, ang dami pa rin palang madaling mapapaniwala ng simpleng headline, ng five, ten second-video, and nagre-react na ng violent without doing any research.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang dali-dali na pong i-Google ng lahat ng bagay ngayon. Lahat ngayon ay nare-research na, lahat ngayon natatawagan na.

“So I think tayong mga sumusunod sa mga celebrity, every time we see, we watch, we read something, responsibility natin na i-check and re-check. Totoo ba yung sinabi niya? Talaga bang nangyari iyon?

“Anong references? Anong source? Huwag tayong mahiya na magtanong.

(Video) 6LACK - Unfair (Full Version) (Official Audio)

“Ang bottomline, hindi lahat ng nakikita natin sa Internet, sa social media ay totoo. Lahat ay puwede nating i-verify…”

ON SHARON NOT WEARING A MASK INSIDE A LUXURY STORE

Sa kabilang banda, napansin din ni Tey sa vlog ni Sharon na walang suot na mask ang Megastar habang nasa loob ng Louis Vuitton store.

“May isa lang akong ire-react, napansin ko na si Shawie on many parts sa video ay nagtatanggal lagi ng mask.

“Sa Korea, okay nang walang [suot] mask sa outdoors, pero indoors, it is still a law na dapat mag-mask sa loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So kung nasa Korea siya at sa Korea na-broadcast, na-upload ang video [ni Sharon], kung Korean siya, malamang ay makuyog siya, ma-report siya at magalit sa kanya.

“Kasi even si V, may recent video si V of BTS na gusto siyang kunan ng video ng press at ipinapatanggal sa kanya yung mask niya.

“He was hesitating and tinatanong pa niya yung press kung, ‘Kayo ba ang magiging responsable sa akin?’

“Again, hindi allowed magtanggal ng mask sa loob, sa indoors dito sa Korea until now.”

Nangyari ang karanasan ni Sharon sa South Korea noong August 2022, at ayon kay Tey, hindi pa lifted noon ang ipinatutupad na batas na kailangan na nakasuot ang lahat ng mask, indoors, at outdoors, bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Kaya may suot ng mask ang mga tauhan ng Louis Vuitton na nag-asikaso sa Filipina entertainment personality.

HOT STORIES

(Video) Playing an UNFAIR Minecraft Map!

Videos

1. জীবনের অন্যায়-অবিচার থেকে বাঁচবেন কী করে? | Why is Life Unfair to Me?
(Sadhguru Bangla)
2. Unfair by the neighborhood sped up
(Alora)
3. UNFAIR MINECRAFT (i got mad...)
(SB737)
4. EXO(엑소)- Unfair + TENDER LOVE + Love Me Right
(0112 됴됴됴)
5. 2023 Audi RS3 vs Toyota Supra: Unfair Comparison!
(RevMatchTV)
6. Apex Controller Players Are Getting Screwed Big Time... (SO UNFAIR)
(JMeyels)
Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Allyn Kozey

Last Updated: 13/06/2023

Views: 5907

Rating: 4.2 / 5 (63 voted)

Reviews: 94% of readers found this page helpful

Author information

Name: Allyn Kozey

Birthday: 1993-12-21

Address: Suite 454 40343 Larson Union, Port Melia, TX 16164

Phone: +2456904400762

Job: Investor Administrator

Hobby: Sketching, Puzzles, Pet, Mountaineering, Skydiving, Dowsing, Sports

Introduction: My name is Allyn Kozey, I am a outstanding, colorful, adventurous, encouraging, zealous, tender, helpful person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.